Hinarang ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa paliparan ang 17 Chinese nationals dahil sa hindi malinaw na ‘purpose of travel’ sa Pilipinas.
Ayon kay BI intelligence division chief Fortunato Manahan Jr., magkakasalungat ang mga pahayag ng mga dayuhan nang kapanayamin nila ang mga ito.
Dahil dito, agad na pinabalik sa kanilang bansa ang mga Tsino at inilagay sa blacklist ng ahensya.
Sa kasalukuyan, tanging ang mga banyaga lamang na mayroong existing visa ang pinapayagang makapasok sa bansa.