Nakalabas na ng quarantine facilities ang 17 Pilipino na tinamaan ng COVID-19 sa SHANGHAI, CHINA.
Ayon kay Philippine Consul General Josel Ignacio, aabot sa kabuuang 21 Pinoy sa nasabing siyudad ang dinapuan ng nakahahawang sakit.
Kinukumpleto naman ng apat na COVID-positive Filipinos ang kanilang quarantine, na nagpakita aniya ng mild symptoms.
Mababatid na nagpatupad ng lockdown ang gobyerno ng China upang mapigilan ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa lugar.