Labing pitong drug surrenderees ang kinuha ng Lapu-Lapu City Government bilang mga bagong job-order o JO. Workers.
Ayon kay City Mayor Paz Radaza, ang mga bagong job order personnel ay mga drug suspects na sumuko mula sa mga barangay ng Pajac, Mactan at Agus.
Ang mga hindi pinangalanang drug surrenderees ay gagawa ng mga footpaths at road channelizers sa ilalim ng material recovery facility o MRF ng barangay Mactan.
Tatanggap ng sahod na 250 pesos kada araw ang mga bagong j.o. workers at papasok ng alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon, tuwing Lunes hanggang Biyernes.
Sinabi ni Radaza na nabigyan na rin ng temporary jobs ang mga 400 surrenderers mula sa Olango Island tulad ng coastal clean-up o vegetable gardening.
By: Jelbert Perdez