Bigo ang Senate-Sergeant-at-Arms na maaresto ang 17 dummies umano ni Vice President Jejomar Binay dahil sa hindi pagsipot sa pagdinig ng senado sa kaso.
Hindi natagpuan sa Salcedo Tower sa La Costa, Makati ang negosyanteng si Antonio Tiu, kapatid nitong si James at misis na si Anne Lorraine Buencamino na sinasabing campaign donors ni Binay.
Sinadya rin umanong patayin ang ilaw sa bahay ng pamilya Chong na pinaniniwalaang supplier ng mga overpriced na cake na ipinamimigay ng Makati government sa mga senior citizen.
Samantala, aminado ang Senate Sergeant at Arms na hindi naman nila maaaring puwersahang pasukin ang mga bahay ng mga sinasabing dummy ng Pangalawang Pangulo.
By Rianne Briones