Inihayag ng Asian Development Bank (ADB) na popondohan nila ang pagpapaunlad at modernisasyon ng Technical and Vocational Education and Training (TVET) system ng Pilipinas.
Ito ay para makatugon sa makabagong demand sa sektor ng paggawa.
Ayon kay Sameer Khatiwada, senior public management economist ng ADB, tutulong sila sa pagdidisenyo ng mga bagong kurso sa pagsasanay, muling kasanayan, pagpapahusay ng mga tagapagsanay, at pagpapalakas ng kapasidad ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng gobyerno.
Tulong din sila sa TESDA para sa pagbuo ng ugnayan sa labing-pitong piling teknolohiyang institusyon at asosasyon ng industriya, local government units, education institutions, at non-government organizations na aktibo sa pagsasanay at kurikulum, gayundin sa livelihood development.
Sa ngayon, maliban sa naturang programa ay nakabatay rin ito sa patakaran na Post-COVID-19 Business and Employment Recovery Program na inihahanda para sa pagpopondo ng ADB.