Patuloy na hinihimok ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na gumamit na lamang ng mga alternatibong pampaingay sa pagsalubong sa taong 2023.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PNP Spokesperson, Col. Jean Fajardo, na mas mainam na umiwas na lamang sa paggamit ng mga paputok sa paparating na bagong taon.
Pero kung hindi naman aniya maiiwasan ay gumamit lamang ng mga pinapayagang uri ng paputok at gawin lamang ito sa mga itinalagang lugar para sa mga firework displays.
Tiniyak naman ni Fajardo na sapat ang bilang ng mga pulis para magbantay lalo na sa bisperas ng bagong taon.
Sa ngayon aniya ay 17 katao na ang kanilang naaresto dahil sa illegal selling at possession ng mga ipinagbabawal na paputok habang mahigit 5,000 naman ang kanilang nakumpiskang illegal firecrackers.