Patay ang 17 katao sa Northern Uganda matapos makainom ng toxic liquor mula sa isang roadside Kiosk.
Ayon kay David Livingstone Ebiru, pinuno ng Uganda National Bureau Of Standards, naglalaman ng methanol ang alak na may bansag na local gin city 5.
Tinitignang anggulo ng mga otoridad na maaaring ilegal na ginamit ng mga suspek ang methanol, dahil mas mura itong alternatibo sa pagpapataas ng epekto ng alak kumpara sa ethanol na karaniwang gamit sa paggawa ng alak.
Inaresto naman ng otoridad ang apat na suspek kasama ang gin manufacturer at may-ari ng Kiosk.—sa panulat ni Hannah Oledan