Patay ang 17 katao matapos tamaan ng diarrhea outbreak sa southern Somalia sa nakalipas na 15 araw.
Ayon kay Ali Mohamed, District Commissioner ng Middle Shabelle Region, hindi pa rin nako-contain ng mga medical authorities ang outbreak.
Sinasabing karamihan sa mga ospital at medical facilities sa lugar ay walang sapat na gamit para labanan ang naturang sakit.
Paliwanag ni Ali, madalas tumatama sa kanilang lugar ang water-borne diseases dahil sa mga pagbaha at El Niño phenomenon.
By Jelbert Perdez