Labing pito katao na ang naitalang nasawi matapos magkaroon ng ebola outbreak sa Kinshasa sa Democratic Republic of Congo.
Batay sa ulat, bukod sa mga nasawi ay may 21 pa na patuloy na binabantayan ng health ministry dahil sa hinihinalang apektado ng ebola.
Ayon sa obserbasyon ng mga eksperto, karamihan umano sa mga pasyente ay nagkaroon ng hemorrhagic fever na isa sa mga sintomas ng nasabing virus.
—-