17 katao ang patay habang hindi bababa sa 30 ang sugatan matapos ang missile strike sa rehiyon ng Odessa, Ukraine, isang araw matapos mabawi ng Ukraine ang Snake Island.
Ayon sa Ukraine naitaboy nila ang Russian forces matapos ang artillery at missile assault sa nakalipas na magdamag.
Subalit giit ng Russia na nagpasiya silang mag-withdraw mula sa Southwestern Coast ng Ukarine bilang gesture of goodwill para ipakita na hindi hinaharangan ng Russia ang plano ng United Nation na magbukas ng humanitarian corridor na nagpapahintulot sa mga produktong grains na maipada mula sa Ukraine.
Ipinabatid pa ni Andriy Yermak, Chief of Staff ni Ukrainian president Volodymyr Zelenskiy na wala ng Russian troops ngayon ang nasa Snake Island at pinuri ang pagtatagumpay ng Armed Forces.