Patay ang labimpitong (17) katao matapos na matabunan ng ga-bundok na basura sa Mozambique sa East Africa.
Naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng madaling araw sa lugar ng Hulene dumpsite sa bayan ng Maputo.
Batay sa imbestigasyon, ilang oras na nakaranas ng malakas na pag-ulan sa lugar na nagresulta para biglang gumuho ang bahagi ng labinlimang-metrong taas ng basura.
At dahil madaling-araw naganap ang insidente, marami sa mga biktima ang natabunan habang natutulog.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa pangambang may ilan pang natabunan ng tone-toneladang basura.
—-