Tinatayang aabot sa labing pito (17) katao ang patay habang halos tatlumpu’t pito (37) ang sugatan matapos maganap ang isang pagsabog sa isang mosque sa Afghanistan.
Batay sa ulat, posible umanong may nag-iwan ng pampasabog sa naturang mosque kung saan nagtitipon ang mga tao para magdasal.
Nabatid din na ginagamit ang naturang lugar bilang voter registration center para sa halalan sa buwan ng Oktubre.
Kaya naman ayon sa mga awtoridad ay posibleng may kaugnayan ito sa mga naunang pagpapasabog kung saan tinatarget ang mga nagpaparehistrong botante.
Sa kasalukuyan ay wala pang umaako sa nangyaring insidente.
—-