17 katao ang namatay sa salpukan ng isang dump truck at pampasaherong van sa antipas, North Cotabato nitong Lunes.
Kabilang sa mga biktima ang driver ng van at 5- taong gulang na babae.
Ayon sa Antipas Disaster and Risk Reduction Management Office, nagliyab ang van matapos nitong bumangga sa dump truck na may kargang buhangin, at nakaladkad pa ng truck ang van nang ilang metro.
Kaugnay nito, na-trap sa loob ng nasusunog na van ang mga biktima at kalaunan ay nasawi.
Sinasabing nawalan ng kontrol ang driver ng truck sa bahagi ng barangay luhong.
Samantala, tatlong indibidwal naman ang nakaligtas sa insidente na pawang nagtamo ng major burns at injuries.
Tiniyak naman ng Antipas Police na patuloy nilang iniimbestigahan ang naturang insidente.