Arestado ng otoridad ang 17 indibidwal matapos ang ikinasang buy bust operation sa isang resort sa lalawigan ng Davao De Oro.
Ayon sa imbestigasyon ng PDEA region 11, taga-Davao City ang 33 na target na si alyas Bert kung saan pinagbilhan umano ito ng nagpapanggap na tauhan ng PDEA ng ilegal na droga.
Kasunod nito ay inaresto ang apat na tinuturong kasabwat ng target at 12 indibidwal na naaktuhan umano sa drug session.
Narekober mula sa mga suspek ang pitumput pitong (77) piraso ng hinihinalang lsd na tinatayang higit isang daang libong piso (130k), labing isang lalagyan ng umanoy liquid party drugs na tatlumput dalawang libong piso (P32k) ang halaga, sampung gramo ng hinihinalang shabu o isang daan at limampung libong piso ang halaga at dalawang daang gramo (200g) ng umano’y marijuana na aabot sa dalawamput apat na libong piso (P24k).
Sa kabuuan, tinatayang aabot sa isa punto limang milyong piso (P1.5-M) ang pinagsamasamang halaga ng mga nabanggit na droga.
Samantala, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa ra 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.—mula sa panulat ni Airiam Sancho