Nakatanggap ng home care kit ang 17 local government unit sa Metro Manila sa tulong ng Pitmaster Foundation.
Ayon sa Executive Director ng Pitmaster Foundation Na Si Atty. Caroline Cruz, ang mga nasabing donasyon ay inihiling mismo ng mga alkalde kung saan, ilan lamang ito sa mga inisyatibang ipinagpapatuloy ng kanilang foundation.
Layunin nitong matulungan ang mga health worker maging ang mga maliliit na negosyo na maprotektahan ang kanilang sarili laban sa nakakahawang sakit.
Ang mga home care kit ay naglalaman ng Lagundi herbal medicine at syrup, vitamin c plus zinc, digital thermometer, facemask, Paracetamol, Bactidol, alcohol, at pamphlet upang maiwsan ang COVID-19.
Nangako naman ang mga alkalde na kaagad ipamamahagi ang mga kit sa kanilang nasasakupan. —sa panulat ni Angelica Doctolero