Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung sa kinaing pansit nalason ang labing pitong (176) magkakamag-anak sa barangay Patima sa General Santos City.
Ito ay matapos isugod sa Dr. Jorge Royeca Hospital ang mga biktima na kinabibilangan ng ilang teenagers at 3-taong gulang na bata.
Ang mga nasabing biktima ay nakaranas ng pagsusuka, pagsakit ng tiyan at pagdudumi.
Ayon naman sa isang kaanak ng mga biktima, ang pansit ay natira mula sa inihanda nila para sa libing ng namatay nilang lolo noong Sabado at ininit na lamang para sa hapunan.
Sa ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan ang mga biktima.
—-