Sumampa na sa 17 ang bilang ng nasawi sa magkakahiwalay na sagupaan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at Moro Islamic Liberation Front o MILF sa Maguindanao.
Labindalawa sa mga nasawi ay mula sa BIFF habang ang lima ay nalagas naman sa hanay ng MILF Task Force Ittihad.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Senior Superintendent Agustin Tello, patindi nang patindi ang palitan ng bala sa pagitan ng MILF Task Force Etihad at grupo ni Esmail Abdul Malik.
Ang pagtugis ng MILF sa BIFF ay bahagi ng dalawang kasunduan nito na pakikipagtulungan sa puwersa ng pamahalaan.
By Ralph Obina