Nakatakdang buksan ngayong linggo ang 17 pang quarantine facilities para sa mga pasyente ng COVID-19.
Ipinabatid ito ni DPWH Build, Build, Build Committee Chairperson Anna Mae Lamentillo.
Ayon pa kay Lamentillo plano pa ng DPWH na magtayo ng mas marami pang pasilidad depende sa pangangailangan para sumapat sa mga dadapuan ng sakit.
Sa ngayon aniya ay mayroong quarantine facilities ang lahat ng mga lalawigan.