Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na pansamantalang pinalaya ng Qatari government ang 17 Pilipinong nagsagawa ng political rally sa nasabing bansa.
Sa press briefing sa Malakanyang, nagpasalamat si DMW Sec. Hans Leo Cacdac sa pamahalaan ng Qatar.
Ginawa aniya ng Qatari government ang hakbang habang patuloy na iniimbestigahan ang pagsasagawa ng mga ito ng kilos-protesta matapos maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Cacdac, unang pinalaya ang 12 lalaking Pinoy habang sunod namang pinalaya ang limang iba pa na pawang mga babae.
Sinabi ni Cacdac na pinatityak din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabibigyan ng kaukulang tulong ang mga nabanggit na Pinoy, kabilang ang legal assistance habang sinisiyasat ang nasabing kaso.—ulat mula kay Gilbert Perdez (Patrol 13)