Umabot na sa 24,291 ang kabuuang bilang ng mga Filipino sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19 makaraang maiulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang labing pitong mga bagong kaso.
Sa nasabing bilang, 5,610 ang naberipika ng Department of Health (DOH).
Batay pa sa datos ng DFA, umabot sa 8,400 ang bilang ng active cases.
Sumirit naman sa 14,437 ang bilang ng mga nakarekober sa sakit matapos na makapagtala ng 14 new recoveries habang pumalo na sa 1,454 ang bilang mga nasawi sa hanay ng mga Pinoy sa ibayong dagat.
Ayon sa DFA, naitala ang mga kaso mula sa 103 mga bansa at teritoryo.