Muling nakapagtala ng labing pitong pagyanig ang paligid ng Bulkang Taal.
Ayon Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nagtala ang bulkan ng 17 volcanic earthquakes kabilang na ang 16 na volcanic tremors.
Umabot sa 5,086 tons o nasa 900 meters ang taas ng sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan sa loob lamang ng isang araw.
Sa ngayon nasa Alert level 2 parin ang status sa palibot ng Taal Volcano kung saan, mahigpit na ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagpasok sa Permanent Danger Zone pati na ang pagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bukana ng bulkan. —sa panulat ni Angelica Doctolero