Muling nakapagtala ng mga pagyanig sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Ayon sa PHIVOLCS, umabot sa 17 volcanic earthquakes ang naitala sa Taal kahapon.
Nagbuga rin ang bulkan ng 3,802 tonnes ng sulfur dioxide simula noong Lunes.
Nagkaroon naman ng upwelling o pag-akyat ng mainit na volcanic fluids sa main crater lake at na-obserbahan umano ang Volcanic Smog o Vog.
Nakitaan pa ang Taal ng “voluminous emission” ng usok na umabot hanggang 1, 500 meters ang taas patungo sa hilagang-silangang direksyon.
Samantala, bahagya ring namaga ang Taal Volcano Island at Western Taal Caldera habang umimpis ang Eastern Taal Caldera.
Muling binalaan ng PHIVOLCS ang publiko hinggil sa posibleng panganib gaya ng steam-driven, phreatic, gas-driven explosions dulot ng taal, na kasalukuyang nasa Alert Level 1.