Sumampa na sa 17 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng bagyong Jolina.
Kinilala ang dalawa sa mga biktimang sina Almario Mingueto, 63 anyos at bobby villavicencio, 46 anyos, kapwa mangingisda at residente ng barangay Tungib, Buenavista, Marinduque na nalunod sa kasagsagan ng bagyo.
Tinaya naman ng NDRRMC sa 81,000 pamilya o higit 313,000 katao ang naapektuhan sa regions 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 8, 12 at Metro Manila.
Aabot na sa P613-M ang halaga ng pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura.
Samantala, umabot na sa mahigit 2,700 pamilya o 11,100 katao na ang naapektuhan ng bagyong Kiko sa Ilocos, Cagayan Valley, Central at Cordillera Administrative Regions.—sa panulat ni Drew Nacino