Hindi bababa sa 17 katao ang nasawi habang 56 na indibidwal naman ang na-ospital matapos gumamit ng cocaine na mayroong toxic substance sa Buenos Aires, Argentina.
Ayon sa mga otoridad, posibleng may taglay na opioids ang cocaine na ginamit ng mga biktima.
Aabot sa 10 katao ang naaresto sa Tres De Febrero kung saan pinaniniwalaang nagmula ang mga cocaine.
Sinabi naman ni Sergio Berni, Security Chief ng Buenos Aires Province, na sinusubukan na nilang tukuyin kung saan nagmumula ang nakalalasong substance.