PATAY ang labimpitong residente matapos pagbabarilin sa Tillaberi region sa Niger.
Ayon sa ilang security officials, nilusob ng mga armadong lalaki ang Theim village at pinaulanan ng bala ang mga residente.
Matatandaang nagkaroon din ng katulad na masaker sa rehiyon noong Lunes na ikinasawi ng halos 40 sibilyan, kabilang ang labing-apat na menor de edad.
Wala pang umaakong grupo sa mga naturang pag-atake.