Umabot sa 17 ang patay sa anti-drug operations ng PNP sa apat na magkakahiwalay na lugar sa Metro Manila.
Dalawang drug suspects ang nasawi matapos manlaban sa mga pulis na magse-serve sana ng warrant of arrest sa Quisumbing St. Barangay 178 Tala Camarin North Caloocan.
Gayunman, nasawi rin sa panlalaban ng mga suspects ang pulis na si PO1 Romeo Mandapat samantalang sugatan si PO1 Bayani Auditor.
Dalawa pang drug suspects na nakilala lamang sa mga alyas na Ipe at Gary ang nasawi sa hiwalay na operasyon ng pulisya sa Barangay 20 Caloocan City.
Samantala, sa tatlo pang di umano’y notorious na pushers ang dead on the spot makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa buy bust na isinagawa sa Barangay 93 Caloocan City.
Sa Quezon City, pitong hinihinalang pushers ang patay sa buy bust operations sa Dupax St., Barangay Old Balara sa Quezon City.
Napag-alamang target ng buy bust operations ang isang Joben Ilarena, 53 taong gulang.
Isang pulis ang nagpanggap na bibili ng shabu subalit nakatunog ang mga tauhan ni Ilarena at pinaputukan ang mga pulis na napilitan namang gumanti ng putok.
Dinala pa sa East Avenue Medical Center ang mga suspects subalit idineklarang dead on arrival ang mga ito.
By Len Aguirre | Jopel Pelenio (Patrol 17)