Patay ang labing pitong indibidwal na kinabibilangan ng mga minero at sibilyan matapos gumuho ang lupa sa isang minahan malapit sa Hpakant township sa Northern Kachin State sa Myanmar.
Base sa imbestigasyon, nagkulong sa loob ng minahan ang nasa 40 mga biktima para makontrol ang kita ng mga minahan na may kinalaman sa paglaganap ng kalakalan ng iligal na droga at armas.
Nabatid na ang gumuhong minahan ay pinagkukuhanan ng mga likas na yaman kabilang na dito ang jade, amber, ginto at troso na tumutulong umano sa pananalapi ng kanilang bansa.
Ayon sa mga otoridad, hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktimang natabunan ng lupa.
Patuloy pang nagsasagawa ng operasyon sa lugar ang mg otoridad matapos ang insidente.
—sa panulat ni Angelica Doctolero