Hindi bababa sa 17 katao ang nasawi habang halos 30 ang sugatan matapos sumalpok ang isang bus sa tren sa Thailand.
Batay sa ulat, patungo sanang templo sa Cha Choeng Sao province ang pampasaherong bus nang maganap ang insidente.
Dahil sa lakas ng pagsalpok, tumagilid ang bus at natanggal pa ang bubungang bahagi nito.
Kinailangan ding gumamit ng crane ang mga rescuers para maingat ang nadisgrasyang bus at mailigtas ang ibang mga biktima.
Inaasahan namang tataas pa ang bilang ng mga nasawi at nasugatan sa insidente.