17 mangingisdang filipino mula Pangasinan ang muling nakaranas ng harassment sa Chinese Coast Guard malapit sa Scarborough o Panatag Shoal na bahagi ng pinag-aagawang Spratly Islands.
Pawang nagmula sa Barangay Cato sa bayan ng Infanta ang mga mangingisda.
Ayon sa kapitan ng fishing vessel na si Greggy Itac, ginamitan sila ng mga nakasisilaw na liwanag ng mga tsino upang itaboy, noong Lunes ng gabi.
Isa pa anyang bangka ng mga mangingsda mula naman sa Subic, zambales ang binangga ng mga rubber boat ng Chinese Coast Guard.
Samantala, inihayag ng Philippine Coast Guard na hindi pa ito nakatatanggap ng anumang report mula sa mga mangingisda hinggil sa sinasabing mga insidente ng harassment.
By: Drew Nacino