Nasa 17 mga pampubliko pamilihan sa lungsod ng Maynila ang nagsagwa ng pork holiday ngayong araw.
Ito ay bilang pakikiisa sa ma tumututol sa ipinatutupad na price cap sa presyo ng karneng baboy at manok.
Una ikinasa ng mga magkakarne sa Paco Market ang kanilang holiday kung saan tumigil muna ang mga ito sa pagtitinda ng mga karne ng baboy, manok, baka, kalabaw at maging mga frozen products.
Ayon sa isa sa opisyal ng Paco Market Vendors Association, hindi nila kakayanin ang ibinigay na P270.00 na price ceiling sa karne ng baboy dahil ang kanilang puhunan ay P300.00 na kada kilo.
Dagdag nito, may posibilidad na hindi na rin sila magtitinda bukas kung magpapatuloy pa rin ang pagpapatupad ng price ceiling sa mga karneng baboy at manok.