Idineklarang “drug-free” o malaya na mula sa salot na droga ang 17 sa 21 barangay sa San Juan City.
Pagmamalaki ni Mayor Francis Zamora, hindi tumitigil ang lokal na pamahalaan at pulisya sa laban kontra droga sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Kabilang sa mga idineklara nang “drug-free” ay ang Barangay Pedro Cruz matapos itong gawaran ng Certificate of Drug-free Barangay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nabatid na dumaan sa mahigpit na assessment at validation ng mga miyembro ng oversight committee ang mga kinakailangang dokumento bago iginawad ang sertipikasyon sa mga naturang barangay.