Nasa moderate risk na ang lahat ng 17 lungsod sa Metro Manila.
Ayon ito sa OCTA Research Group habang bumaba pa sa .60 ang reproduction number ng COVID-19.
Samantala, iniulat ng OCTA Research na bumagsak sa 1,847 o 30% na mas mababa nuong nakalipas na linggo, ang pitong araw na average ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Sinabi ng OCTA Research na ang positivity rate ay naitala sa 11% habang bumaba naman sa 79% ang healthcare utilization rate at nasa 13.05 kada 100,000 ang average daily attack rate.