Patay ang 17-anyos na anak ni Lucban, Quezon, Mayor Olivier Dator habang kritikal naman ang isa nitong kasama matapos mabundol ng isang delivery van ang sinasakyan nilang mga motorsiklo.
Kinilala ang mga biktima na sina Guitahm Oli Dator at Sydney Saliendra.
Sa CCTV footage, makikitang papatawid sina Dator at Saliendra sa isang intersection nang mabangga ang mga ito ng isang van bandang alas-10 ng gabi nitong Lunes.
Sa lakas ng impact ay tumilapon ang mga biktima.
Nadala pa sa ospital ang mga biktima subalit nasawi kalaunan si Dator.
Kritikal naman at nagtamo ng malubhang head injury si Saliendra.
Sa ngayon ay hawak na ng Lucban Police ang driver ng delivery van.—sa panulat ni Hya Ludivico