Sinampahan ng kasong pagpatay ang 17 tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Region 4-A sa Batangas.
Kinilala ang mga mag-asawang biktima na sina Ariel Evangelista, 25-anyos at Si Anna Mariz Lemita-Evangelista, 30-anyos kapwa staff members ng isang community organization sa Nasugbu, Batangas.
Ayon kay Justice Undersecretary Adrian Sugay, natutulog sa kanilang tahanan ang mag-anak nang puwersahang pasukin ng mga operatiba ang bahay ng mag-asawa para isilbi ang search warrant ngunit pinaputukan ng mga suspek ang mga biktima dahilan ng kanilang agarang pagkamatay.
Dito na nakarinig ng putok ng baril ang mga kapitbahay na nagsilbing testigo sa pangyayari.
Nakapiit na at nahaharap ang mga suspek sa kasong murder. —sa panulat ni Kim Gomez