Labing pitong (17) mga undocumented Chinese nationals ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) sa Mariveles, Bataan.
Ayon kay Jake Licas, pinuno ng Fugitive Search Unit ng Immigration, hinihinalang sangkot sa illegal gambling activity ang mga nasabing dayuhan na matagal na nilang minamanmanan.
Dagdag ni Licas, itinuturing na pugante ang mga naarestong Chinese nationals bukod pa sa kanselado ang kanilang hawak na pasaporte.
Aniya, mayroon kasing standing warrant of arrest mula China ang mga nahuli dahil sa pagkakasangkot sa economic crimes.
Pansamantalang ikinulong ang mga naarestong Chinese sa freeport area sa Mariveles Bataan at isinasailalim na sa deportation proceedings.
By Krista de Dios
17 undocumented Chinese nationals timbog sa Bataan was last modified: April 19th, 2017 by DWIZ 882