Nakaabang na ang 17 vaccination site sa The Medical City sa Lungsod ng Pasig na magbakuna kontra COVID-19 oras na dumating pa ang mga karagdagang suplay ng bakuna para sa Pasigueño.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, kaya pang magbukas ng karagdagang 10 vacccination site subalit kaunti pa lamang ang suplay ng COVID-19 vaccine.
Dagdag ng Alkalde, damay ang ibang bansa kabilang na ang Pilipinas kung may problema sa paggawa at pag-export ng bakuna laban sa COVID-19 mula sa mga manufactures.
Magugunitang nagsimula ang pag-arangkada ng pagbabakuna sa Pasig para sa mga health workers nito noong Marso kasunod ang mga senior citizens at mga taong may karamdaman.—sa panulat ni Agustina Nolasco