Kabuuang 170 drug dens at shabu laboratories na ang nabuwag ng mga awtoridad sa loob ng 14 na buwan o mula June 2016 hanggang August 2017.
Batay sa monthly update ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ng kanilang “#realnumbers,” maliban dito’y umaabot sa 18.63 Billion Pesos na halaga ng illegal drugs ang nasabat sa mga operasyon.
Ayon sa PDEA, mahigit 100,000 indibidwal din ang nadakip ng mga awtoridad na hinihinalang sangkot sa iligal na droga.
Isang daan at Walumpu’t Siyam na law enforcers naman ang nasawi o nasugatan sa mga anti-drug operations kabilang na rito ang 76 na K.I.A. O “killed in action.”
By: Gilbert Perdez
SMW: RPE