Mahigit isandaan pitumpung (170) hinihinalang miyembro ng Islamic State ang patay sa serye ng airstrikes sa Shirqat, Iraq.
Ayon sa Iraqi Defense Ministry, ang airstrike ay bahagi ng clearing operations upang tuluyang mawalis sa Iraq ang mga nalalabing miyembro ng ISIS na maaaring gumanti matapos ang pagbagsak ng teroristang grupo sa bansa.
Aminado ang Iraqi government na hindi pa rin ligtas ang kanilang bansa sa banta ng Islamic State dahil ilan sa mga miyembro nito ang humalo lamang sa mga sibilyan.
By Drew Nacino