Maaantala ang pagdating ng 170,000 COVID-19 vaccine doses ng Sputnik V na nakatakda sanang dumating mamayang gabi.
Ito ang inanusyo ng National Task Force against COVID-19.
Ayon sa NTF, hindi matutuloy ang pagdating ng naturang mga bakuna dahil umano sa logistical problem.
Hindi naman binanggit kung kailan na ang susunod na pagdating ng bakuna sa bansa.