Nakapagtala ang Department of Health kahapon ng 1,702 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang 2 sunod na araw na wala pang 2,000 kaso ang naitala.
Bumaba ang mga aktibong kaso mula sa 24,192 noong biyernes habang mahigit 3-M ang kabuuang caseload ng COVID-19.
Nananatili ang National Capital Region (NCR) na may pinakamataas na bilang na 8,279 ng bagong kaso ng nakahahawang sakit.
Nasa 2,150 naman ang recovery tally habang 36 ang bagong nasawi. - sa panunulat ni Jenn Patrolla