Kakailanganin ng pamahalaan ang aabot sa 170,000 vaccinators para sa isasagawang national vaccination day mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Ayon kay national vaccination operation center Dr. Keiza Rosario, puspusan ang ginagawang paghahanda ng gobyerno para sa “Bayanihan, Bakunahan” day.
Sinabi pa ni Rosario na posibleng umakyat pa sa 200,000 ang bilang ng mga kakailanganing vaccinator, kaya’t patuloy rin ang panghihikayat ng pamahalaan sa mga doktor, nars, dentista, pharmacist, at mga medical technologist,
At iba pang medical volunteers, na maging bahagi ng bayanihang ito.—mula sa panulat ni Hya Ludivico