Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 171 na bagong kaso ng Delta Variant at OMICRON subvariant cases sa bansa.
Mababatid na nauna nang idinagdag ang Ba.4 at Ba.5 sa listahan ng pagsubaybay ng World Health Organization noong Marso at itinalaga bilang mga variant ng alalahanin ng European Center for Disease Prevention and Control.
Nitong Huwebes ang Pilipinas ay nakapagtala ng 2,141 na bagong kaso ng naturang virus, na itinaas ang nationwide tally sa 3,913,000,536.
Samantala, ang kabuuang recoveries ay umakyat na sa 3, 826,000,246 habang ang death toll ay sumampa na sa 62,447 kabilang na ang 31 bagong nasawi.