Umabot na sa 1,725 ang bilang ng mga hinihinalang suspek sa operasyon ng iligal na droga na nasawi sa pinaigting na kampanya ng pamahalaan.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), nasa 31,629 na suspek naman ang naaresto ng awtoridad sa halos 33,000 operasyon.
Nakatok na din sa ilalim ng Oplan Tokhang ang mahigit sa 2.5 milyong bahay na nagresulta sa pagsuko ng halos 760,000 drug suspects.
Nakapagtala naman ang PNP ng 2,153 na kaso ng pagpatay na kailangan munang imbestigahan bago ikunsiderang extrajudicial killings.
By Katrina Valle