173 miyembro ng NPA o New People’s Army ang naitalang sumuko sa loob ng tatlong buwan sa apat na batalyon sa ilalim ng 1001st brigade sa Compostella Valley at Davao del Norte.
Ayon kay 100st brigade commander Col. Erwin Bernard Neri, napapansin nila ang tila pagdami ng mga sumusukong NPA simula noong Oktubre.
Nabibilang sa mga regular na NPA ang mga sumukong miyembro nito, sangay sa partido o ang mga masa sa komunidad at ang mga militia ng bayan o ang pinakababang armed group ng NPA.
Nakarekober din ang mga otoridad ng mga armas na mula sa mga sumukong rebelde.
Pinag aaralan na ng pamahalaan ng Davao del Norte at Compostella Valley ng pagtatayo ng “halfway villages” na siyang tutuluyan ng mga rebelde.
Tinutukan na rin ng Philippine Army ang mga dokumentong kakailanganin para mapagkalooban ng pinansyal at livelihood assistance ang mga sumukong NPA.
Samantala, bukas pa rin ang mga sundalo sa pagtanggap ng mga nais sumukong rebelde.