Nasawi ang 174 indibidwal habang sugatan ang nasa 180 katao sa isang stampede sa isang soccer match sa Jakarta, Indonesia.
Ito ay matapos magkagulo sa gitna ng footbal stadium ang mga taga-suporta ng natalong koponan ng Arema FC laban sa Persebaya Surabaya.
Bigo namang maawat ng awtoridad sa pamamagitan ng tear gas ang mga nagkakagulong mga taga-suporta dahil nagresulta lamang ito sa stampede at karamihan sa mga indibidwal ay nahirapang huminga.
Dahil sa insidente, sinuspinde muna ng Football Association of Indonesia ang lahat ng football match nang isang linggo at pinagbawalang maging host ng naturang asosasyon ang Arema FC sa buong season.
Kaugnay nito, humingi naman ng paumanhin ang naturang asosasyon at tiniyak ang publiko na iimbestigahan ang nangyaring insidente.—sa panulat ni Hannah Oledan