Nanindigan si Vice President Leni Robredo na gagawin niya ang lahat upang hindi na makabalik pa sa kapangyarihan ang isang Marcos.
Sa kaniyang pagdalo sa isang student forum sa University of the Philippines sa Los Baños, inamin ni Robredo na hindi niya kayang tapatan ang yaman ng mga Marcos.
Ngunit tiwala ang Bise Presidente na kakampi niya ang sambayanan upang labanan ang muling pagbabalik ng mga Marcos sa kapangyarihan at agawin ang kaniyang pagka-Bise Presidente.
Matagal na aniyang nakipaglaban ang mga Pilipino laban sa diktadurya at hindi niya hahayaang masayang iyon dahil sa pagbabalik ng dating Senador na anak ng diktador.
By: Jaymark Dagala