Tuloy na ang konstruksyon ng kontrobersyal at tinaguriang pambansang photo bomber na Torre de Manila.
Sa botong 9-6 ng mga mahistrado ng Korte Suprema, ibinasura nito ang inihaing petisyon ng Knights of Rizal na humihiling na gibain ang 49 na gusali.
Tatlong usapin ang pinagbatayan ng high tribunal sa nasabing petisyon kung saan, una’y kawalang hurisdiksyon ng SC sa nasabing usapin, kawalan ng legal standing at ang panghuli ay ang kabiguan ng mga petitioners na patunayang napinsala sila sa nasabing pagtatayo.
Paliwanag pa ng Supreme Court sa pag-aalis ng inilabas nilang TRO o Temporary Restraining Order ay dahil sa walang batas na nagbabawal sa pagtatayo ng Torre de Manila.
Magugunitang Setyembre nuong taong 2014 nang maghain ng reklamo sa SC ang Knights of Rizal dahil sa paniniwalang sinisira ng Torre de Manila ang sightline ng monumento ni Gat Jose Rizal sa Luneta.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo