Umabot sa 177 pamilya ang inilikas sa lalawigan ng Aurora matapos mag-landfall doon ang Bagyong Pepito.
Ipinabatid ito ni Officer Elson Egargue na nagsabi ring tinitiyak nilang nasusunod ang social distancing at minimum health standard sa evacuation centers.
Hindi pa aniya naibabalik ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng bayan ng Dilasag.
Sinabi pa ni Egargue na wala namang matinding epekto sa lalawigan ang pag-landfall ng Bagyong Pepito.
Patuloy naman ang pag-apaw ng Ditubo River sa bayan ng Dilasag sa Aurora.
Batay pa sa abiso ng Dilasag Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), hindi passable sa light at medium vehicles ang Dilasag-Dinapigue Road dahil sa tubig-baha.