Nasa 177 pampublikong paaralan ang lalahok sa implementasyon ng face to face classes.
Kabilang dito ang 28 public schools sa Metro Manila na magsisimula na sa Lunes, a sais ng Disyembre.
Ayon sa Department of Education o DEPED, pinayagan nang magsagawa ng in-person class ang mga eskwelahan sa kabila ng banta ng COVID-19.
Nagmula ang mga paaralan sa Caloocan City, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Paranaque, Pasig, Quezon city, Taguig, Valenzuela at Las Pinas, Malabon, Makati, San Juan at Pasay.
Samantala, tiniyak ng DEPED na mahigpit pa ring ipatutupad ang mga health protocols sa mga mag-aaral na lalahok, tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask at social distancing.