Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na may mga aksyong ginagawa ang pamahalaan upang mapanagot ang mga opisyal na sangkot sa iligal na droga.
Ayon kay PBBM, umabot na sa 177 police officers sa Metro Manila ang kinasuhan dahil sa drug-related offenses, kabilang ang pagtatanim na ebidensya, unlawful arrests, at excessive violence.
Aabot naman sa 151,818 cases na may kaugnayan na iligal na droga ang naisampa ng Department of Justice noong 2022 at 2023, habang nasa 121,582 na indibidwal naman ang naipakulong ng mga awtoridad dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade.
Iginiit ng pangulo na ang magandang numero ay patunay lamang na epektibo ang ipinatutupad na kampanya laban sa iligal na droga.
Una nang ipinagmalaki ng Marcos administration na nakakumpiska ito ng ₱10.41-B na halaga ng illegal drugs mula enero hanggang Disyembre noong nakaraang taon, habang mahigit 27,000 barangays naman ang napalaya mula sa impluwensiya ng ipinagbabawal na droga. - mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)